Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

January 24, 2023 @ 7:00 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao Occidental madaling araw ng Martes, Enero 24.

Ito ay ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) kung saan tumama ang lindol 2:17 ng madaling araw at ang sentro ay nasa timog-silangang bahagi ng Balut Island, Saranggani.

May lalim itong 76 kilometro at tectonic in origin.

“This is an aftershock of the 18 January 2023 M7.0 Offshore Davao Occidental Earthquake event,” dagdag ng PAGASA.

Wala namang inaasahan na pinsala o aftershock sa naganap na lindol. RNT/JGC