Davao Oriental niyanig ng M5.4 lindol

Davao Oriental niyanig ng M5.4 lindol

January 22, 2022 @ 8:27 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Niyanig ng 5.4 magnitude lindol ang bayan ng Baganga sa Davao Oriental kaninang madaling-araw, batay sa PHIVOLCS.

Naramdaman ito bandang 4:43 a.m. at may lalim na 119 kilometro.

Naitala rin ng ahensya ang Intensity III sa Bislig City, Surigao del Sur.

Samantala, wala namang inaasahang pinsala ngunit binalaan ang mga residente sa aftershocks. RNT/FGDC