Davao, Soccsksargen mananatili sa critical risk sa COVID – DOH

Davao, Soccsksargen mananatili sa critical risk sa COVID – DOH

February 4, 2022 @ 6:59 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ni Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mananatili ang Davao at Soccksargen Regions sa ilalim ng critical risk sa COVID-19 ngayong linggo.

“Ang Regions 11 at 12 ay nanatiling nasa critical risk,” ani Vergeire sa Laging Handa public briefing.

Habang nasa moderate risk naman ang mga rehiyon na nasa Visayas at Mindanao; Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa na nasa moderate risk; at Bicol Region na nasa low risk.

Paalala pa ni Vergeire sa mga residente, sundin ang ipinapatupad na minimum public health standards laban sa COVID-19. RNT/FGDC