Dave Bautista, out sa ‘Guardians of the Galaxy Vol. 3’ kung ‘di gagamitin ang script ni Gunn

Dave Bautista, out sa ‘Guardians of the Galaxy Vol. 3’ kung ‘di gagamitin ang script ni Gunn

August 8, 2018 @ 9:03 AM 4 years ago


 

 

Manila, Philippines – Umapela ang aktor na gumaganap sa karakter ni Drax the Destroyer sa Guardians of the Galaxy na si Dave Bautista na kung hindi gagamitin ng Marvel Cinematic Universe ang script ni James Gunn ay aalis nalamang siya sa pelikula.

Napatalsik si Gunn bilang director ng sikat na franchise noong nakaraang buwan matapos ibunyag ng mga alt-right activist ang kaniyang mga ‘offensive tweets’ noong mga nakalipas na taon.

“Nobody’s defending his tweets, but this was a smear campaign on a good man.”

“I spoke to Chris Pratt the day after it happened and he’s a bit religious so he wanted time to pray and figure it out, but I was more like: f*ck this. This is bullshit. James is one of the kindest, most decent people I’ve met,” sabi ni Bautista sa isang panayam kahapon (August 7).

Ayon pa kay Bautista, ginagawa na ni Gunn ang script ng Guardians of the Galaxy: Volume 3 at nakatakda na ang shoot nito sa susunod na taon.

“Where I’m at right now is that if [Marvel] don’t use that script, then I’m going to ask them to release me from my contract, cut me out or recast me.”

“I’d be doing James a disservice if I didn’t.”

Kasunod ito ng tweet ni Bautista noong Lunes na nagsasabing, “I will do what i’m legally obligated to do but [Guardians] without [James Gunn] is not what I signed up for. GOTG w/o [James Gunn] just isn’t GOTG. It’s also pretty nauseating to work for someone who’d empower a smear campaign by fascists #cybernazis. That’s just how I feel. “

Noong nakaraang linggo, kabilang sa mga cast member ng Guardians of the Galaxy franchise na pumirma sa isang open letter na humihiling na ibalik si Gunn ay sina Chris Pratt, Zoe Saldana at Bradley Cooper.

Ayon sa sources sa Disney, kahit na gumawa ng open letter ang mga A-list cast ng franchise, imposible pa ring ibalik si Gunn ng Disney.

“I don’t think [it] will get him re-hired…But I hope it opens people’s eyes to James’ character.” Remate News Team