David DiMuzio, naniningil sa ABS-CBN, may planong magdemanda!

David DiMuzio, naniningil sa ABS-CBN, may planong magdemanda!

December 8, 2021 @ 3:21 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Anong kahiwagaan kaya ang nagaganap sa buhay at career ng multi-talented entertainer na si David DiMuzio?

Kamakailan ay nag-post siya sa Facebook n’ya na parang nagbabanta na ididemanda n’ya ang ABS-CBN dahil sa mga kantang siya mismo ang nag-produce pero ipina-release n’ya umano sa pamamagitan ng ABS-CBN.

Pitong taon na raw n’yang ginagawa ‘yon pero ni pisong royalty ay ‘di pa siya nakatanggap. Humihingi siya ng tulong mula sa followers n’ya na magrekumenda ng abugadong pwede siyang tulungan na kasuhan ang ABS-CBN.

May sumagot naman sa kanya at inilista ang pangalan nina Atty. Larry Gadon, Atty. Raymond Fortun, or Atty. Rodante Marcoleta.

Pero pagkatapos nu’n ay biglang binura n’ya ang entry na ‘yon sa FB n’ya.

Heto ang isang bahagi ng post n’yang ‘yon na nakunan ng ilang websites: They have never paid me even ONE PESO of royalties contractually owed on the songs I released through their record label and publishing company Star Songs, and every time I have inquired over the past 7+ years they either blow me off or don’t respond at all to my request for a royalty statement.

Ayon kay David, ang mga musical production n’ya na ipina-release n’ya sa pamamagitan ng Star Songs (na music publishing arm ng ABS-CBN) ay nagkaroon na ng milyun-milyong pagpapalabas at pagpapatugtog sa iba’t ibang streaming platforms na ang Star Songs ang nakipagkontrata. Danny Vibas