David, hindi insecure kay Coco!

David, hindi insecure kay Coco!

February 20, 2023 @ 2:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Masaya si David Licauco sa panibagong parangal na natanggap ng Maria Clara at Ibarra. Bukod sa award bilang Best Primetime Drama Series ay pinarangalan din si David bilang Best Supporting Actor ng Trinity University of Asia.

Pangalawang award na ito na natanggap ni David kaya nagpapasalamat siya sa nagawa ng Maria Clara at Ibarra sa kanyang showbiz career.

Proud siya sa bagong award na natanggap niya dahil mga estudyante ang pumili nito at para sa kanya, hindi sila naiumpluwensiyan dahil ang award ay patas.

Sey ni David, “So, siyempre extra special din siya for me and for everyone na nakatanggap kami ng ganu’ng klaseng award.

“Para siyang, it will serve as an inspiration for me and for them para paghusayan pa ang trabaho namin bilang artista,” pahayag ni David.

Tinanong din si David tungkol sa matinding katapat ngayon ng Maria Clara at Ibarra. Naging isyu kasi kung natalo na nga ba ng FPJ’s Batang Quiapo ang kanilang drama series in terms of rating.

Ayon sa actor, hindi na raw siya naniniwala sa network war. Sa katunayan, may collaboration na nga ang ABS-CBN at GMA-7 para gumawa ng ilang proyekto. Dahil dito, mas nakikinabang daw ang mga viewers dahil sa magandang kompetensiya.

“Different naman yung market, e. Kumbaga, yung Maria Clara, I feel nasa Gen Z side, and pinapanood nila yun because of the history, because of the romantic side.

“Pero yung sa FPJ, pinapanood siguro yun dahil ahhh… ano ba ang story nu’n? Hindi ko alam.

“Action siya, e. Of course si Coco Martin ‘yun and malaki na yung napatunayan niya.

“Ako for me, hindi naman ako na-challenge o na-insecure kasi I feel na na-build naman namin yung market namin, kumbaga yung mga viewers namin. So, I mean… at the end of the day, I don’t believe in the network war.

“I mean, as long as we’re making people happy and nakakalimutan ang mga trabaho at problema nila, okay na rin yun. Whether manood sila ng ABS or GMA, okay na yun,” pahayag ni David. Ador Saluta