David Licauco, may nakakatakot na sakit!

David Licauco, may nakakatakot na sakit!

February 7, 2023 @ 9:30 AM 2 months ago


Manila, Philippines – By this time ay baka nakaiskedyul na ang operasyon ni David Licauco to treat what he describes is his scary ailment.

With his physique, sino ang mag-aakalang may iniinda palang karamdaman ang gumaganap bilang Fidel sa fantasy historical teleserye ng GMA na Maria Clara at Ibarra?

Mismong ang 27 anyos na Chinoy actor ang umamin that he’s suffering from sleep apnea.

Ang sleep apnea ay isang sleeping disorder kung saan tumitigil ang paghinga ng isang taong natutulog nang kung ilang segundo.

It may be attributed to fatigue na nagreresulta sa pagiging mahiluhin at pagkawala sa mood.

Ani David: “I got it when I was 16 years old. It’s been 11 years…it’s scary!”

Dahil sa sakit na ito’y humihingi si David ng dispensa sa mga taong sinusungitan niya, lalo na raw kung daytime.

Sa gabi lang kasi daw siya nakakatulog, pero inaatake naman ng naturang sakit.

To be able to address this ay nagdesisyon na si David na magpaopera dahil hirap na hirap na raw siya.

For sure, hindi naman sleep apnea ang dahilan kung bakit nakalimutan niya ang Tagalog equivalent ng “cow” noong sumali sa Pinoy Henyo sa Eat Bulaga na ikinatalo ng kakampi niya, ano?

Anyway, balitang pinadidistansya si Jak Roberto na nobyo ni Barbie Forteza para hindi masira ang screen tandem nila ni David bilang FiLay sa Maria Clara at Ibarra.

But Jak need not worry dahil aware naman si David na taken na si Barbie. Ronnie Carrasco III