David Licauco, nilandi ang fans!

David Licauco, nilandi ang fans!

February 5, 2023 @ 5:05 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagpaunlak si David Licauco na sagutin ang kanyang fans sa pa-question and answer niya sa Twitter kamakailan.

Tweet niya: “#askdavid for 10 mins g.”

Unang naitanong sa kanya ang pabangong kanyang ginagamit.

Aniya, Versace raw ang brand ng perfume niya. Sa tanong naman tungkol sa kanyang favorite food, bet na bet daw niya ang sisig kahit isa siyang Chinoy.

Tungkol naman sa huling pelikulang pinanoood niya, aniya, araw-araw daw siyang nagwa-watch ng “The Founder” to feed his motivation.

May humingi rin ng advice sa kanya kung paano makaka-move on sa ex kung kasama ito sa circle of friends niya.

Payo niya sa follower, isipin na lang daw na hindi cute ang ex.

Sa question naman kung may mas nakakakilig pang mga eksena ang tandem nila ni Barbie Forteza na FiLay sa El Fili, hirit niya marami pa raw.

Tanong naman ng isang Twitter user: “Magkakatuluyan ba kayo ni Binibining Klay Ginoong Fidel para naman sumaya naman kami #askdavid”

Tugon niya, depende raw iyon sa partner na si Barbie.

Maharot naman na “why not?” ang naging sagot niya sa tanong ng fan na: “Will you date a fan sa Valentine’s day? #askdavid”

Ibig sabihin, game na game siyang makipag-date sa Araw ng mga Puso sa kanyang fans na ikinakilig naman ng kanyang kafaneyan. Archie Liao