Davis ‘di lalayasan ang Lakers

Davis ‘di lalayasan ang Lakers

October 19, 2020 @ 4:28 AM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

LOS ANGLELES – Matapos ang matagumpay na pagbabalik ng NBA sa bubble, nakatutok ngayon ang mga team sa pagkuha ng mahuhusay na manlalaro, na nag-expire na ang kontrata, para palakasin ang kanilang line-up.

Pero isa sa pinakamalaking free agent na si Anthony Davis ay hindi umano lalahok kaya inaasahang muli itong pipirma ng kontrata sa Los Angeles Lakers para idepensa ang kanilang titulo.

Naging malaking bahagi si Davis ng Lakers para makatuwang ni LeBron James sa pagkuha ng kampeonato sa NBA.

Ang dating number 1 overall pick ng New Orleans Pelicans ang kumumpleto sa Lakers franchise para masungkit ang mailap na kampeonato.

Naging impresibo ang unang taon ni Davis sa pagsusuot ng purple and gold jerseys kung saan kinilala ito bilang All-Star starter at naging miyembro rin ng first All-Defensive Team para sa ngayong season.

Kumakamada ito ng average na 27.7 points at 9.7 rebounds kada laro.

Magandang senyales umano ang pagbabalik ni Davis sa Lakers pero ang ibang key players ng koponan naman ay nagpahayag na lilipat sila ng team.

Ayon sa ulat, si Rajon Rondo, maganda ang inilaro nitong playoffs, ay lalahok umano sa market para sa free agencies, maging si Kentavious Caldwell-Pope. Rico Navarro


  •  
  •  
  •  

Loading...