Davis malala ang injury

Davis malala ang injury

March 14, 2021 @ 9:07 AM 1 year ago


LOS ANGELES – Hindi makapaglalaro si Los Angeles Lakers forward Anthony Davis ng dalawang Linggo pa dahil sa pagkapwersa ng leg injuries nito sa laban kontra Denver Nuggets nitong Huwebes.

Inanunsyo ng defending NBA champions na tuloy ang rehabilitasyon sa injury nito matapos ang ginawang pagsusuri ng kanilang doctor. Muli itong susuriin bago matapos ang Marso.

Ayon sa ulat, lumala ang injury ni Davis sa binti sa 2nd quarter ng laban ng Lakers sa pagbabalik nito sa laro kontra Indiana Pacers nitong Sabado kaya iika-ika itong lumabas ng court papuntang locker room at hindi na bumalik sa laro.

Matatandaang nagtamo ang All-NBA big man ng Achilles tendinosis at calf strain noong February 14 dahilan para hindi ito makalaro sa sampung games ng Lakers at sa All Star Game na ginanap sa Atlanta.

Sinabi ni Lakers coach Frank Vogel na hindi makalalaro si Davis ng walo pang laro nila sa susunod na dalawang Linggo at bibigyan nila ng sapat na panahon upang magpagaling at maging handa sa pagsabak sa postseason.

Natalo ang Los Angeles ng pito sa 10 games na wala si Davis, pero nanatili ang koponan sa 3rd place sa Western Conference. Rico Navarro