DavOr inuga ng magnitude 5.7 na lindol

DavOr inuga ng magnitude 5.7 na lindol

May 5, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Yumanig ang magnitude 5.7 na lindol sa Tarragona, Davao Oriental ngayong umaga ng Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 96 kilometers at tumama bandang 5:41 a.m.

Naramdaman ang Intensity II sa General Santos City.

Ibinabala naman ng PHIVOLCS na posible ang aftershocks pero wala namang inaasahang pagkasira. RNT