DavOr niyanig ng M-4.6 quake

DavOr niyanig ng M-4.6 quake

October 15, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Natukoy ng Phivolcs ang lindol kaninang ala-1:53 ng madaling araw na ang epicenter ay 61 kilometers southeast ng Governor Generoso, Davao Oriental.

Ang depth of focus ng tectonic earthquake ay 65  kilometers.

Naiulat ng Phivolcs ang sumusunod na Instrumental Intensities: 

Instrumental Intensity II – Malungon, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; Tupi, South Cotabato

Instrumental Intensity I – Davao City; Kiamba and Alabel, Sarangani; General Santos City and Tampakan, South Cotabato  

Wala namang inaasahang aftershock at pinsala, base sa Phivolcs. RNT/SA