DavOr niyanig ng M-5 quake

DavOr niyanig ng M-5 quake

January 8, 2023 @ 10:15 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5 earthquake ang Baganga Municipality sa Davao Oriental nitong Linggo ng umaga.

Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang lindol na tumama 12 kilometers South ng Baganga kaninang alas-7 ng umaga. May lalim itong 129 kilometro at tectonic ang  origin.

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na instrumental intensities:

  • Intensity II (slightly felt): Nabunturan, Davao De Oro.

  • Intensity I (“scarcely perceptible” shaking): Malapatan and Alabel, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; and General Santos City, South Cotabato.

Sinabi rin ng ahensya na walang inaasahang aftershocks. RNT/SA