DavOr niyanig ng magnitude 5.6 quake

DavOr niyanig ng magnitude 5.6 quake

December 10, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.6 earthquake ang southeast Governor Generoso, Davao Oriental nitong Sabado ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ang lindol kaninang alas-4:01 ng umaga na may lalim na 65 kilometers, at tectonic ang origin.

Naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod na lugar:

  • Intensity IV – Governor Generoso, Davao Oriental; Bansalan, Davao del Sur; Malapatan at Malungon, Sarangani

  • Intensity III – City of Davao; City of Mati, Davao Oriental; Alabel, Glan, at Kiamba, Sarangani; City of Koronadal, Polomolok, Tampakan, at Tupi, South Cotabato; City of General Santos

  • Intensity II – Maitum, Sarangani; T’Boli, South Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat

  • Intensity I – Kalilangan, Bukidnon; Norala, Santo Niño, Surallah, at Tantangan, South Cotabato

Inisyal na iniulat ng PHIVOLCS ang lindol sa magnitude 6.0, na ginawang 5.9 at 5.6 nitong Sabado ng umaga.

Walang naitalang na pinsala, subalit naiulat ng PHIVOLCS na posibleng magkaroon ng aftershocks.

Sa panayam nitong Sabado, sinabi ni Governor Generoso Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) operations at warning chief Jun Saavedra na walang casualty o pinsalang naiulat.

“As of this time, wala pang reported injury, casualty, at damage sa property,” sabi noya. RNT/SA