Dawlah Islamiya bombmaker sumuko sa NoCot

Dawlah Islamiya bombmaker sumuko sa NoCot

December 7, 2021 @ 3:12 PM 10 months ago


Maguindanao – Sumuko na ang bombmaker ng grupong terorista ng Dawlah Islamiya (DI) sa Carmen, North Cotabato, batay sa ulat.

Ayon kay Maj. Gen. Juvymax Uy, 6th Infantry Division commander ng Army, kasama nitong isinuko ang kanyang rifle kay Lt. Col. Rommel Mundala, 90th Infantry Battalion commander at Col. Jovencio Gonzales, 602nd Infantry Brigade commander.

“He was a high-value target. A bomb-making expert,” saad ni Uy.

“This surrender was a joint effort of the military and police forces in coordination with the local government unit of Carmen,” punto naman ni Gonzales.

I-e-enroll ang naturang sumuko sa DIWATA HAVEN (Dapat Iwaksi at Wakasan ang Terorismo at Armadong Pakikibaka – Hadlangan ang Violent Extremism) program ng gobyerno.

Bibigyan din ito ng livelihood packages and assistance upang makapagsimula ng bagong buhay. RNT/FGDC