Dawn, kasama ni PBBM sa Switzerland, binatikos!

Dawn, kasama ni PBBM sa Switzerland, binatikos!

January 20, 2023 @ 7:06 AM 7 days ago


Manila, Philippines – Nasa mata ngayon ng kontrobersya si Dawn Zulueta.

Kasama kasi ang aktres sa 70 kataong delegasyon ni Pangulong Bongbong Marcos na bumiyahe sa Switzerland kamakailan.

Wala ni isang post si Dawn sa kanyang Instagram acount tungkol sa Swiss trip niya, bagay na nagpatibay sa haka-haka ng mga netizen ang balak niyang itago ang nasabing biyahe para hindi gawan ng isyu.

Kinukuwestyon tuloy ng mga netizens kung in what official capacity meron si Dawn para maging bahagi ng Philippine delegation?

Taga-gobyerno ba siya, eh, misis lang naman siya ni Anton Lagdameo, himself a government figure?

May nagbiro pang hinaluan ng sarcasm kung field trip daw ba ‘yon?

At sa estado raw ni Dawn, hindi raw ba niya afford to spend on her trip mula sa kanyang sariling bulsa?

Sa taxpayers’ money nga naman daw nanggaling ang ginastos sa biyahe?

May nagsabi namang “plus one” si Dawn na kinaray ng kanyang mister.

Eh, bakit daw si direk Paul Soriano na sumama rin sa biyahe, hindi kinaray ang misis na si Toni Gonzaga?

Well, understandable naman kung bakit hindi isinama ni Paul si Toni na abala sa paghahanda ng nalalapit niyang anniversary concert.

Sa bandang huli, wari’y kumbinsido na rin ang mga netizens na kumukuwestyon sa pagsama ni Dawn, pero may pasubali sila.

Dapat daw ay mag-release si Dawn ng report tungkol sa naging accomplishment niya sa junket na ‘yon!

Pilit pinadya-justify sa aktres why she was part of the delegation.

Ipaliwanag mo nga, Dawn! Ronnie Carrasco III