DAY6 Kpop band, pinakilig ang Pinoy fans

DAY6 Kpop band, pinakilig ang Pinoy fans

October 7, 2018 @ 3:28 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Hinarana ng South Korean pop rock band na DAY6 ang Pinoy fans sa kanilang unang beses na concert dito sa Manila kahapon, (Oktubre 6) sa KIA Theatre.

Mahal na mahal ang DAY6 ng Pinoy fans dahil kahit ito ang kanilang first time ay sold out ang ticket ng naturang KPop band na may bagong release na single na,  “Shoot Me,” “You Were Beautiful” at “Congratulations.”

Ikinatuwa rin ng DAY 6 ang mainit na pagtanggap sa kanila ng Pinoy fans at ibinahagi pa nila ang kanilang litrato sa Instagram account nila na may caption na: “You guys were worth the wait. Thank you Manila. You were amazing.”

 

 

View this post on Instagram

 

You guys were worth the wait. Thank you Manila. You were amazing.

A post shared by DAY6 (@day6kilogram) on

Ang DAY6 ay binubuo nina Sungjin (main vocalist at rhythm guitarist), Jae  (lead guitarist), Young K (bassist at rapper), Wonpil (keyboardist) at si Dowoon (drummer). (Remate News Team)