Dayalogo sa pagitan ng Israelis, Palestinians inihirit ni Pope Francis

Dayalogo sa pagitan ng Israelis, Palestinians inihirit ni Pope Francis

November 28, 2022 @ 7:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinimok ni Pope Francis ang mga Palestinian at Israel authorities na humingi ng dayalogo kasunod ng mga kamakailang nakamamatay na pag-atake ng bomba sa Jerusalem at mga sagupaan sa sinasakop na West Bank.

Sinabi ng papa na ang karahasan ay “pinapatay ang hinaharap” para sa dalawang bansa.

Binanggit ng Santo Papa ang dalawang insidente ng pagsabog sa Jerusalem matapos umatake ang militanteng Palestine na ikinamatay ng 16-anyos na lalaki at ilang mga nasugatan.

Isang 16-anyos na lalaki na Palestinian ang binaril ng mga pwersa ng Israel sa mga sagupaan sa lungsod ng Nablus na nasakop ng Israel sa West Bank.

Ayon sa papa, ang parehong mga insidente, na tinawag ang mga pagsabog sa Jerusalem na “kasuklam-suklam.”

Sinabi rin niya na siya ay nag-aalala tungkol sa pagtaas ng karahasan sa nakalipas na ilang buwan.

“Violence kills the future, interrupting the lives of the youngest and weakening the hopes for peace. Let us pray for these young people who died and for their families, especially for their mothers,” sabi ni Pope Francis.

Umaasa rin ang Santo Papa na ang mga awtoridad ng Israel at Palestinian ay isapuso ang paghahanap para sa diyalogo sa mas malawak na paraan, pagbuo ng katumbas na tiwala.

Ayon sa papa, kung wala ito ay hindi magkakaroon ng solusyon para sa kapayapaan sa Holy Land. Jocelyn Tabangcura-Domenden