Dayan nanindigang inosente si De Lima

Dayan nanindigang inosente si De Lima

May 13, 2022 @ 6:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanindigan ang dating driver at bodyguard ni Senator Leila de Lima, na si Ronnie Dayan, sa Muntinlupa court nitong Biyernes na hindi sangkot si de Lima sa drug trade sa New Bilibid Prison.

Nuuna nang ihayag ni Dayan na ang kanyang mga naunang pahayag kung saan sinabi niya na nagdala siya ng illegal drug money para kay de Lima ay inilahad niya “under duress” at walang benefit of counsel.

“Dayan confirmed his judicial affidavit which provides, in capsule, that… no delivery of drug money was done to Sen. Leila,” ani Atty. Rolly Francis Peoro, legal counsel ni de Lima.

“Dayan’s testimony in Congress in 2016 was not true, due to force, and done without the assistance of a counsel of his own choice, and Dayan had no transactions with any of the Bilibid inmates,” dagdag niya.

Ayon kay Peoro, pinangalanan ni Dayan si late Congressman Rey Umali na siyang nagtulak umano sa kanya upang sumang-ayon sa kwento ng self confessed drug lord na si Kerwin Espinosa.

“But this is all consistent with the testimony of Kerwin Espinosa, Rafael Ragos and now Ronnie Dayan na different members of the government are doing their part to coerce the witnesses against Senator Leila de Lima,” aniya pa sa isang hiwalay na panayam.

Kumpiyansa naman si Peoro na papayagan ang kanyang bail motion, dahil na rin sa pagbawi ng testimonya laban kay de Lima. RNT/SA