Dayong drug dealer timbog sa P68K ‘tobats’ sa Bulacan

Dayong drug dealer timbog sa P68K ‘tobats’ sa Bulacan

December 29, 2022 @ 4:39 PM 1 month ago


Bulacan – Arestado ang isang pinaghihinalaang drug dealer matapos mahulihan ng P68,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa Malolos.

Kinilala ni Bulacan Police director, PCol. Relly Arnedo ang suspek na si Miguel Ignacio, 28, residente ng Brgy. Kamalig, Meycauayan City.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsamang puwersa ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group Special Operations Unit 3 at Malolos police bandang ala-1 ng madaling araw nitong Disyembre 29, sa Brgy. Mojon.

Nakumpiska sa operasyon ang 9 sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng aabot sa 10 gramo, na may Dangerous Drug Board value na P68,000, cellphone, motorbike at buy-bust money.

Samantala, arestado rin ang tatlong drug personalities na sina Monica Mae Madrigal, 33, ng Brgy. Agnaya, Charlie Dalisay, 49, at Edilberto Ramos Jr, ng Brgy. Bintog, Plaridel.

Nalamang naaresto ang mga suspek sa kaparehong operasyon ng mga awtoridad sa bayan ng Plaridel at Bustos na nakasamsam ng walong sachet na pinaghihinalaang shabu, motorbike at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakukulong sa istasyon na humuli sa kanila. Dick Mirasol III