Dayong tulak tiklo sa P408K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

Dayong tulak tiklo sa P408K ‘tobats’ sa Bulacan buy-bust

August 2, 2022 @ 6:59 PM 2 weeks ago


BULACAN – Arestado ang binatang 35 anyos na nagbenta at nahulihan ng P408,000.00 pinaghihinalaang shabu sa joint buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Guiguinto.

Kinilala ang suspek na si Enmark Mirano, 35, printer of sacks, residente ng Marimel, Subdivision, Brgy. Marilao.

(Photo: Bulacan PNP)

Sa report, ikinasa ang operasyon ng  Bulacan PDEU/PIU at Guiguinto police laban sa target bandang 1:30 ng madaling araw nitong Agosto 2, sa Brgy. Poblacion, Guiguinto.

Ayon sa report, nabilhan ng poseur buyer ng isang sachet na pinaghihinalaang shabu ang target kaya agad itong inaresto.

Nakumpiska pa sa operasyon ang 13 sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 60 grams, may PNP/PDEA drug value na P408,000.00 at marked money.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165. Dick Mirasol III