Dayong tulak timbog sa P75K ‘tobats’ sa Bulacan

Dayong tulak timbog sa P75K ‘tobats’ sa Bulacan

July 13, 2022 @ 3:58 PM 1 month ago


BULACAN – Arestado ang dumayong pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng P75,480 na iligal na droga at baril sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng San Ildefonso.

Kinilala ang suspek na si Christian Dela Cruz, residente ng Barangay Concepcion sa Baliwag, Bulacan.

Nabatid na kabilang sa PNP-PDEA Unified Drug Watchlist ang suspek.

Sa report ni San Ildefonso acting chief of police PMAJ Russel Dennis Reburiano kay Bulacan Police director Police Colonel Charlie Cabradilla, nangyari ang operasyon bandang ala-1:00 ng madaling araw nitong Hulyo 13 sa Brgy. Maasim.

Ayon sa report, nabilhan ng isang maliit na sachet na pinaghihinalaang shabu sa halagang P1,000  ang target kaya agad itong inaresto.

Nakumpiska pa sa operasyon ang dalawang sachet na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 11.10 grams, may estimated value na P75,480, caliber 38 smith&wesson, limang bala at buy-bust money.

Nahaharap sa kaukullang kaso ang suspek habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III