Dayuhan gumagamit ng pagkakakilanlan ng patay sa pagkuha ng gov’t IDs – Ejercito

Dayuhan gumagamit ng pagkakakilanlan ng patay sa pagkuha ng gov’t IDs – Ejercito

September 15, 2022 @ 3:06 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Ibinulgar ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito nitong Huweb es na gumagamit ang maraming dayuhan ng pagkakakilanlan ng patay na Filipino upang makakuha ng government-issued identification cards sa Pilipinas.

Sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs hinggil sa sunod-sunod na kidnapping at pandurukot sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, hiniling ni Eejrcito sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin ang kanialng operasyon laban sa kriminalidad na ito.

“PNP, please take note of that. We will confirm pero alam ko na nangyayari ‘to. Marami nang mga foreign nationals, in particular, mga mainland Chinese na pumasok dito, who are using identities of dead persons so that they can avail of rights and be considered as Filipino citizens,” aniya.

Kinumpirma naman ito ni Fortunato Manahan Jr., OIC deputy commissioner ng Bureau of Immigration, kaya napatalsik nila ang ilang foreign national sa paggamit ng pekeng passport birth certificates, at marriage certificates.

“May mga cases and incidents po kaming naiintercept sa airports and sa community. Napapadeport po namin ang mga ‘yon,” aniya.

Nauna nang naghain si Ejercito Proposed Senate Resolution No. 194, na naglalayong atasan ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na magsagawa ng imbestigastyon sa nakakaalarma kaso ng kidnapping, pandurukot at pagkawala partikular laban sa kababaihan , miyembro ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) workers, at ilang Filipino-Chinese individuals.

Partikular na tinukoy ng resolusyon ang hinihinalang kidnapping ng isang Chinese national sa katirikan ng araw sa kahabaan ng Skyway elevated highway at ilang dokumentadong pagpapamalupit sa lalaking biktima na pinutulan ng tenga.

“Definitely, peace and order situation is the biggest factor in having a climate conducive for business to grow for us to be able to rebuild the economy after the pandemic. Kailangan po maganda ang peace and order situation. Ngayon pa lang tayo nakakabuwelo after the two years of lockdown in the pandemic,” aniya.

“We have to verify the authenticity of these videos so that we can attack the problems already head on and not cause panic sa ating mamamayan at business sector,” dagdag niya. Ernie Reyes