Dayuhang sapul ng PH airspace shutdown lusot sa immigration penalties

Dayuhang sapul ng PH airspace shutdown lusot sa immigration penalties

January 5, 2023 @ 8:08 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng Bureau of Immigration (BI) para hindi magbayad ng penalty ang lahat ng dayuhan na napektuhan ng flight cancellations sa nangyaring pagsasara ng airspace ng Pilipinas noong Bagong Taon.

“All foreign nationals whose flight were cancelled or delayed after the Air Traffic Management Center (AMTC) of the Civil Aviation Authority of the Philippine (CAAP) encountered technical issues that affected flight to and from the Philippines on January 1 were given a grace period on the validity of their authorized stay and their Emigration Clearance Certificate (ECC)” saad sa inilabas na abiso ng BI.

Sa mga visas at ECCs na nag-expire sa nabanggit na araw ay binibigyan ng grace period extension hanggang Enero 12 at pinapayagan na magpa-rebook sa kanilang flights na walang karagdagang immigration penalties.

“Considering what happened to many foreign nationals who were unable to leave during their scheduled flights, we issued this advisory to assist them in rescheduling, without having to worry about overstaying,” ayon kay Tansingco.

nabatid sa BI na kinakailangan lamang na ipakita ng mga dayuhan ang kanilang ticket na katunayang nakansela ang kanilang flights mula Enero 1 pati ang kanilang boarding pass.

“This extension is given in the spirit of the hospitality of Filipino people,” ayon Tansingco.

“Those who were affected did not mean to overstay their visas, hence appropriate considerations are given to them,” dagdag pa ng opisyal. Jay Reyes