Dayuhang turista makapapasok na sa bansa mula Peb. 10 – BI

Dayuhang turista makapapasok na sa bansa mula Peb. 10 – BI

January 28, 2022 @ 6:11 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inanunsyo ng Bureau of Immigration (BI) na makapapasok na ang mga dayuhang turista sa Pilipinas simula Pebrero 10.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ito ay bilang pagtugon sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan makapapasok na ang fully vaccinated nationals mula sa non-visa required countries sa bansa.

May kabuuang 157 bansa ang ikinokonsiderang visa free kasama na ang United States of America, South Korea, Japan, Australia, Canada, UK, Malaysia, at Singapore.

Kakailanganin lamang ipresenta sa pagdating ang passport na valid sa loob ng anim na buwan at patunay ng bakuna laban sa COVID.

Dagdag dito, kakailanganin ding magsumite ng negatibong RT-PCR test na valid sa loob ng 48 oras mula sa pinanggalingang bansa epektibo sa Pebrero 1.

Habang ang fully vaccinated aliens ay hindi na rin kailangang sumailalim sa facility-based quarantine.

“The opening of our borders to foreign visitors will boost the country’s tourism program,” dagdag ni Morente. RNT/FGDC