Dayuhang ‘vloggers’ hihigpitan ng BI

Dayuhang ‘vloggers’ hihigpitan ng BI

July 13, 2021 @ 3:51 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang “vlogger” sa bansa na huwag makisali sa anumang aktibidad na lumalabag sa kundisyon ng kanilang pananatili sa bansa.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na naglabas siya ng paalala matapos mapansin ang maraming mga foreign vlogger na nag-post ng mga video sa Pilipinas.

Ang naturang paalala ay inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente matapos mapansin na dumarami ang bilang ng mga dayuhang vloggers na nagpo-post ng kanilang mga video ukol sa Pilipinas.

Ayon kay Morente, hindi umano ipinagbabawala ang pag-vlog, ngunit ang pag-endorso o paggamit ng kanilang mga platform upang magbenta ng mga produkto ay maaaring maituturing na isang paglabag sa mga kundisyon ng kanilang pananatili sa bansa.

“Online videos of these influencers bring entertainment to many, which could be a source of much-needed relief from the stress brought about by the pandemic, Vloggers promoting the beautiful places in our country could even help revive and boost tourism,” ani Morente.

“However, vlogging should not be used as a means to sell products.  Accepting local endorsements, selling products, and engaging in other activities for profit while holding a temporary visitors’ visa is considered a deportable offense,” babala ng opisyal.

“Vloggers should not overstep their boundaries and perform actions only within the activities allowed in their visas. If found guilty, violators can face deportation and blacklisting from the Philippines,” dagdag pa ni Morente.

Matatandaan na nito lamang Pebrero, kinasuhan ng BI ang isang dayuhang social media influencer dahil sap ag-aalok umano nito ng mga notebooks, bags at toiletries kung saan wala naman umano itong kaukulang permit o visa. Jay Reyes