DBM chief, nanindigan sa suporta sa PS-DBM

DBM chief, nanindigan sa suporta sa PS-DBM

February 18, 2023 @ 9:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinanindigan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman  ang kanyang suporta para sa  Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa gitna ng kontrobersiya na kinasangkutan ng attached agency.

Ang katuwiran ng Kalihim, ang centralized procurement ay nananatiling “more advantageous” sa gobyerno at sa mga mamamayan.

Base sa naging talumpati ni Pangandaman sa  Partners in Service 2023 appreciation event para sa  PS-DBM partner-merchants and suppliers, sinabi ng DBM na kumpiyansa ang Kalihim na  “PS-DBM will only get better” matapos ang ilang  transformational initiatives at reporma.

“Centralized procurement is still more advantageous to the government and its people. Hence, I will continue to support PS-DBM while advocating for the restructuring of its organizational staffing and the amendment of the Government Procurement Reform Act which is already two decades old,” ang wika ni Pangandaman.

Tinuran ng DBM na ang mga inisyatiba at repoma para sa PS-DBM ay kinabibilangan ng digitalisasyon at promosyon para sa pagpapanatili ng procurement systems sa pamamagitan ng Green Public Procurement (GPP).

Samantala, sinabi pa ng Kalihim ang pangangailangan na amiyendahan an Government Procurement Reform Act.

“With the updated law, we will have the opportunity to put the right people in, thus ensuring accountability as well as the sustainability of the institution and our procurement system. I am confident that with the excellent leadership of Atty. Santiago, our reforms will be realized and executed with utmost integrity,” ayon kay  Pangandaman. Kris Jose