DBM, nagpalabas ng higit P8B para sa subsidiya ng mga magsasaka

DBM, nagpalabas ng higit P8B para sa subsidiya ng mga magsasaka

August 2, 2022 @ 7:28 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Ipinalabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang notice of cash allocation na nagkakahalaga ng mahigit sa P8 bilyong piso para pondohan ang subsidiya para sa mga eligible na rice farmers.

Sa isang kalatas, sinabi ng departamento na inaprubahan ni DBM Sec. Amenah Pangandaman, araw ng Biyernes, Hulyo 29,2022, ang pagpapalabas ng Notice of Cash Allocation (NCA) na nagkakahalaga ng P8,053,474,140 sa Department of Agriculture (DA).

“This will fund the distribution of the P5,000 subsidy for more than 1.5 million rice farmers affected by the impact of the Rice Tariffication Law on the third and fourth quarter of 2022,” ayon sa DBM.

Alinsunod din ito sa implementasyon ng P3 bilyong Rice Farmers’ Financial Assistance (RFFA) program na nagbibigay ng financial support sa mga small-time rice farmers.

“Our farmers deserve our help and care. The immediate release of cash assistance could provide relief to our rice farmers given the recent natural calamities they experienced,” ayon kay Pangandaman.

Ang unconditional cash aid ay maaari ring makatulong sa mga rice farmers sa pagbili ng rice inputs gaya ng fertilizer at farm machinery.

Sakop din ng NCA ang “service fee” kabilang na ang halaga ng card generation, Rice Competitive Enhancement Fund-RFFA sa ilalim ng Development Bank of the Philippines. Kris Jose