DBM nakapamahagi na ng mahigit 50% ng 2023 nat’l budget

DBM nakapamahagi na ng mahigit 50% ng 2023 nat’l budget

February 20, 2023 @ 2:18 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pumalo na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa ibat-ibang tanggapan ng gobyerno.

Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa P5.27 trilyon na pambansang pondo ay nasa P2.97 trilyon na ang naipamahagi.

Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman, ipagpapatuloy ng kanyang departamento ang mabilis na pagpapalabas ng budget para sa ibat-ibang programa at proyekto ng gobyerno.

Tiniyak nito na  gagawin ng DBM ang paglalabas ng pondo ng episyente, transparent at buong ingat at ng sa gayon ay makasabay sa 8 point socio- economic agenda ng Marcos Administration Jr.

Samantala, kabilang naman  sa prayoridad ng administrasyong Marcos na pinondohan ngayong taon ay ang  edukasyon,  infrastructure development, pangkalusugan at agrikultura. Kris Jose