DBM nangako ng suporta sa BARMM transition, women empowerment

DBM nangako ng suporta sa BARMM transition, women empowerment

March 9, 2023 @ 11:59 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nangako si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nitong Miyerkules, Marso 8 ng suporta para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)kasabay ng transition nito kabilang ang implementasyon ng special development programs para sa women empowerment.

Kasabay ng kickoff celebration ng National Women’s Month na pinangunahan ng Bangsamoro Women Commission, pinuri ni Pangandaman ang pagsisikap ng mga kababaihan ng BARMM sa kanilang isinasagawang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakapantay-pantay, maging ang kabuuang pag-unlad ng rehiyon.

“I would like to greet and congratulate all the women in BARMM, especially for your contribution to strengthening communities and nation-building, advocating and fighting for peace and equality, and for lobbying for the passage of the Bangsamoro Organic Law that established the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao or BARMM — a historic win for the whole country,” aniya.

Idiniin din ni Pangandaman ang patuloy na suporta ng DBM sa transition process ng BARMM.

“I strongly believe that things will work better, especially in the government, when we have more women in charge to bring equality to the table. And so, we, at the Department of Budget and Management, are determined to help BARMM as it undergoes transition and implements gender-responsive and special development programs for women,” sinabi pa niya.

“As a proud daughter of Mindanao and as Secretary of the Budget Department of our country — only the second woman to hold this position —I am committed to the realization of a BARMM that is thriving, with Bangsamoro women whose rights are protected, and who are empowered to take part and take the lead in decision-making,” pagpapatuloy nito.

Naglaan ang administrasyong Marcos ng P64.76 bilyon para sa Annual Block Grant ng BARMM; P5 bilyon bilang Special Development Fund sa rebuilding, rehabilitation at development ng conflict-affected communities; at P4.59 bilyon sa tax share nito na nakolekta sa rehiyon.

Pagpapatuloy, inilaan din ang P852.9 milyon para sa Normalization Program at P36.1 milyon sa probisyon ng socio-economic development assistance para sa mga dating Moro National Liberation Front (MNLF) combatants kaugnay ng pagsusulong ng Government of the Philippines-MNLF Peace Process Program.

Samantala, sa hiwalay na video, ipinanawagan din ni Pangandaman ang patuloy na suporta sa women empowerment.

ā€œSo this National Women’s Month, we renew our commitment to uplifting women especially Filipino women everywhere,ā€ aniya.

“Your presence and leadership in the Marcos Jr. administration is also a testament to the commitment of President BBM to inclusivity and to making sure that the best leaders have a seat at the table, regardless of gender,” dagdag pa ng kalihim.

Si Pangandaman ang ikalawang babaeng pinuno ng DBM, kasunod ni dating
Secretary Emilia Boncodin na nagpakilala ng katangi-tanging reporma sa budget at procurement, at kultura ng transparency sa public financial management. RNT/JGC