DBM: Panukalang P5.268T 2023 budget plantsado na

DBM: Panukalang P5.268T 2023 budget plantsado na

August 17, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Plantsado na ang panukalang P5.268 trilyong national budget para sa 2023, ang unang full-year budget plan ng administrasyong Marcos, na nakatakdang isumite sa Kamara sa susunod na linggo, ayon sa Department of Budget and Management (DBM) nitong Miyerkules.

“Right now, it’s already being printed just in time before the President’s submission to Congress by Monday,” pahayag ni Budget Undersecretary Joselito Basilio sa 2022 Economic Journalists of the Philippines-San Miguel Corp. (EJAP-SMC) Economic Forum sa Ayuntamiento de Manila, Intramuros.

“Everything is on time. Things have been polished already,” ani Basilio.

Sa isang pre-recorded video message, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandamanna ang DBM “has been busy crafting a budget that’s not only responsive to the needs of the time but aligned with the priorities of the Marcos administration.”

Inihayag ng Palasyo noong Hulyo na isusumite ng Budget Department ang mga dokumento ng 2023 national budget sa 19th Congress sa Agosto 22.

Nauna nang ilahad ng DBM na kabilang sa budget priorities ng administrasyon ang edukasyon, kalusugan, social safety nets, imprastraktura at agrikultura.

Ang planong pagsusumite sa 2023 budget sa Kamara ay alinsunod sa timeline na nakasaad sa1987 Constitution na kinakailangan itong isumite 30 days araw mula sa pagbubukas ng regular session ng Kamara.

Nagbukas ang 19th Congress noong Hulyo 25, ang unang araw ng unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  Nangangahulugan ito na hanggang Agosto 24 pwedeng isumite ng DBM sa mga mambabatas ang proposed budget para sa 2023. RNT/SA