DBM pinakikilos sa pension hike

DBM pinakikilos sa pension hike

January 13, 2023 @ 2:44 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Umapela si Senior Citizen Partylist Rep. Rodolfo Ordanes kay Budget Secretary Amenah Pangandaman na maipabilang sa 2024 proposed budget ang P1,000 pension increase na nakapaloob sa Republic Act 11916.

Ayon kay Ordanes ang RA 11916 ay naisabatas noong Enero 30, 2022 subalit hindi napabilang sa 2023 national budget ang itinatakda nitong pension hike na mula P500 ay gagawing P1,000 kaya naman sa taong 2023 ay hindi pa mararamdaman ng mga senior citizens ang taas sa kanilang pension.

“Our quest continues for full funding and implementation of Republic Act 11916 raising the indigent seniors monthly social pension from P500 to PHP1,000. We renew our campaign for the PHP1,000 social pension by appealing to Budget Secretary Amenah Pangandaman to include full funding of RA 11916 in the next budget, the 2024 budget, the formulation of which will begin shortly after DBM issues its budget call for the 2024 cycle,” pahayag ni Ordanes.

Aminado ang mambabatas na hindi naipasama sa 2023 budget ang pension hike dahil naisagawa na ang budget bago ito naisabatas kaya naman umaasa ito na sa 2024 ay wala nang magiging hadlang para maipatupad ito.

“We tried our best last year to push for the PHP1,000 indigent seniors social pension but even our best was not enough,” giit pa niya.

Aniya, umaasa sila na magkakaroon ng supplemental budget para sa pension ngayong 2023 subalit sa dami ng kailangang pondohan ay nasa Kongreso pa rin ang pinal na desisyon ukol dito.

“But if my colleagues in the House would be open to the supplemental budget option in the coming weeks and months, I am willing to try this path for the sake of senior citizens nationwide, despite its slim chances of happening,” pagtatapos ni Ordanes. Gail Mendoza