DBM sa gov’t agencies: Budget proposals para sa Fiscal Year 2024, ihanda

DBM sa gov’t agencies: Budget proposals para sa Fiscal Year 2024, ihanda

January 17, 2023 @ 2:38 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan na ang Department of Budget and Management (DBM) sa government departments at agencies na ihanda na ang kanilang budget proposals para sa susunod na taon.

Enero 12, nagpalabas si Budget Secretary Amenah Pangandaman ng National Budget Memorandum No. 145 o National Budget Call, hudyat ng preparatory stage para sa drafting ng National Expenditure Program para sa susunod na taon.

Ang budget call ay ipinaabot sa lahat ng pinuno ng departments, agencies, bureaus, offices, commissions, state universities and colleges, at iba pang instrumentalities ng national government at lahat ng iba pang concerned.”

Hiniling ng memorandum sa lahat ng agency heads na simulan na ang paghahanda ng kanilang budget proposals para sa 2024.

“Budget call defines the budget framework, sets the economic and fiscal targets, enumerates the priority thrusts and programs, and harmonizes the guidelines, forms and instructions for budget preparation,” ayon sa DBM.

““The 2024 National Expenditure Program shall adhere to the policies and directions embodied in the government’s 8-Point Socioeconomic Agenda and the Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028. We will make sure that the proposal shall support the achievement of the targets set by the FY 2022-2028 Medium-Term Fiscal Framework (MTFF),” ayon naman sa Kalihim.

Sinabi ng DBM na ang budget call ay naglalayong bigyang diin ang infrastructure development, kabilang na ang “Build Better More” program at maging ang digital at social infrastructure.

“It shall likewise provide full support to climate change and disaster risk vulnerable areas, the social sector, and basic public services,” ayon sa DBM.

“It shall also incorporate provision of funds for capacity-building programs for local government units (LGUs) to enable them to assume the devolved functions and services,” ayon pa rin sa DBM.

Ang 2024 budget ay magbibigay din ng pondo para sa regional programs ng mga ahensiya na tumutugon sa pangangailangan ng “disadvantaged at lagging LGUs.”

“The President’s directive is clear— we need to assure that no Filipino will be left behind. Everyone will be part of the development as we will give full support to the poorest and most vulnerable sectors by providing basic public services,” ayon kay Pangandaman. Kris Jose