DBM sa mga Pinoy: ‘Magtiwala sa PBBM admin sa 2023’

DBM sa mga Pinoy: ‘Magtiwala sa PBBM admin sa 2023’

January 1, 2023 @ 2:17 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman nitong Linggo, Enero 1 sa mga Filipino na magtiwala sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa kanyang New Year’s Day message, kinilala ni Pangandaman ang pagiging matatag ng mga Filipino sa kabila ng mga pagsubok na naranasan sa mga nagdaang taon.

“We were confronted with the pandemic, as well as calamities and challenges here and abroad. But, in the end, our courage, unity and resilience prevailed. The indomitable spirit of the Filipino people remained steadfast and unwavering,” aniya.

Dagdag pa, nagpahayag din siya ng kumpyansa na maiaangat ng administrasyong Marcos ang pamumuhay ng mga Filipino lalo na ang mga mahihirap, sa pagpasa ng P5.268 trilyon na national budget ngayong 2023.

“As we usher into 2023, let us put faith and confidence to our national leadership and to our fellow countrymen, as we all steer our nation forward and to the right direction,” pagbabahagi ni Pangandaman.

“Rest assured that following President Ferdinand R. Marcos Jr.’s signing of the 2023 General Appropriations Act, we will soldier on towards economic recovery and transformation. As the President says time and again— In this administration, no Filipino will be left behind,” dagdag pa niya.

Matatandaan na noong Disyembre 16 ay pinirmahan na ni Marcos ang 2023 national budget bilang isang batas na gagamitin sa post-pandemic economic recovery. RNT/JGC