De Castro, tanggap ang nominasyon sa pagka-CJ

De Castro, tanggap ang nominasyon sa pagka-CJ

July 26, 2018 @ 2:29 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Tinanggap na ni Supreme Court (SC) Associate Justice Teresita Leonardo De Castro ang nominasyon sa posisyon ng pagka-Chief Justice.

Bilang isa sa limang senior justice ng Supreme Court ay awtomatikong nominado si De Castro sa binakatanteng pwesto ng pinatalsik na Chief Justice Maria Lourde Sereno.

Kahapon ay tinanggap din ni Associate Justice Lucas Bersamin ang nominasyon sa kanya ng SC.

Si De Castro ay appointee rin ni dating Pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapaga-Arroyo bilang Associate Justice noong 2007 kasunod ng pagiging Presiding Justice  ng Sandiganbayan.

Matatandaan na isa si De Castro sa walong mahistrado na bumoto sa quo warranto petition para matanggal si Sereno sa pagka-punong mahistrado.

Noong oral arguments sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida ay nagkasigawan din sila ni Sereno. (Remate News Team)