De-kalidad na pasilidad ng NAIA, tiniyak ng DOTR

De-kalidad na pasilidad ng NAIA, tiniyak ng DOTR

January 10, 2023 @ 7:40 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ng Department of Transportations (DoTR) na aayusin nito ang pasilidad at equipment sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang hindi na maulit ang insidente noong New Year na nagkaroon ng technical glitch at 282 biyahe ang naapektuhan.

Inihayag ito Transport Secretary Jaime Bautista sa pagharap nito sa briefing ng House Committee on Transportation, sa harap ng mga mambabatas, siniguro ni Bautista na gumagawa na ng paraan ang ahensya para mabigyan ng permanenteng solusyon ang problema sa air traffic management system sa NAIA kung saan ang kanilang mga rekomendasyon ay naipaabot na kay Pangulong Bongbong Marcos.

“We sincerely apologize to those who were affected by the technical glitch which affected hundreds of flights and inconvenienced thousands of passengers. We hope to convey to our lawmakers and to the riding public that we are committed in coming up with a permanent solution affecting passengers and commuters,” pahayag ni Bautista.

Isa sa solusyon na gagawin ng DoTR ay ang pagkakaroon ng backup system, aniya, aabot sa P13B ang kakailanganin para sa upgrade sa traffic management and communication sa NAIA at upang mapabilis ang pagsasaayos ng problema ay nangangailangan na agad maamyendahan ang kasalukuyang ipinatutupad na procurement law.

“We are thankful for the cooperation of other agencies who share similar sentiments about the need to amend existing procurement laws to expedite acquisition of vital technical equipment such as those of CAAP. We hope to highlight technical and financial support in upgrading the facilities in CAAP, NAIA and other regional airports,” dagdag pa nito.

Nangako si Bautista na bukod sa pagsaayos ng pasilidad ay tutukan din ng DoTr ang iba pang “pain points” ng mga pasahero sa airport kabilang na dito ang hindi maayos na ticket booking, airport congestions, mahabang pila, immigration issues, baggage system at pagkakaroon ng maayos na transportation sa paligid ng airport.

Samantala, sa isang statement na ipinalabas ng CAAP, inamin nito na ang Communications, Navigation, and Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) System na ginagamit ng bansa ay hindi na moderno bagamat noong 2019 lamang ito sinimulang gamitin.

Nabatid na ang CNS/ATM ay P10.8-billion project na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA), ang nasabing proyekto at natapos noong October 2017 subalit simula lamang nagamit noong July 2019.

Sa nasabing briefing, inamin ni CAAP Director General Manuel Antonio Tamayo na isa din ang isyu ng “brain drain” o ang paglilipat ng mga Pinoy aviation expert sa ibang bansa sa dahilan kung bakit kulang sa mga experto ang NAIA.

Aniya, pangunahing dahilan ay ang mababang pasahod, sa Pilipinas umano ang air traffic controller ay kumikita ng P45,000 kada buwan kumpara sa ibang bansa na P300,000.

Bunga nito, umapela si Tamayo sa pamahalaan na magkaroon ng adjustment sa salary grade ng mga air traffic personnel.

“As far as CAAP is concerned, one of our problems, our competent technicians, air traffic controllers have been pirated due to low salaries,”paliwanag naman ni CAAP Assistant Director General Marlene Singson, air traffic control head.

Sa panig ng Governance Commission for GOCCs (GCG) sinabi nito na kanila nang tinitignan ang pay issue ng mga air traffic officers na nagtatrabaho sa CAAP facilities.

Kaugay nito sinabi ng CAAP na bumili na ito ng dalawang uninterruptible power supply (UPS)upang maiwasan nang magloko ang air traffic management system.

“we did emergency procurement of two additional UPS because our current UPS is already mid-life. The UPS life is between five to 10 years. Our position is that, why wait seven to 10 years when this is vital equipment, so we procured two right away as a measure to prevent this New Year’s day Philippine airspace shutdown] from happening again,” paliwanag ni Tamayo.

Samantala nilinaw ni Civil Aviation Board Executive Director Carmelo Arcilla na ang financial compensation o usapin ukol sa anumang danyos para sa 56,000 naapektuhang pasahero ay hindi pa malinaw hanggang sa hindi natatapos ang imbestigasyon.

Nasa P100 million ang nawala sa mga airline companies resulta ng 7 oras na aberya sa NAIA sa pagbubukas ng taon kasund ng pagpalya ng power supply. Gail Mendoza