De leon, Letargo sa TOPS Usapang Sports

De leon, Letargo sa TOPS Usapang Sports

March 23, 2022 @ 2:31 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Tampok na panauhin sa pagbabalik ng Tabloids Organization in Philippine Sports,  Inc. (TOPS) ‘Usapang Sports’ ngayong Huwebes, Marso 24, ang dalawang kapita-pitagang opisyal para ipahayag ang mga plano at program sa sports na ginagawa sa local government unit (LGU) at horse racing.

Magbibigay ng kanilang saloobin hinggil sa sports development program sina Gumaca, Quezon Mayor Webster Letargo at Philippine Racing Commission (Philracom) Chairman Reli De Leon sa lingguhang sports forum via Zoom ganap na 10:00 ng umaga.

Nagmula sa angkan ng mga lingkod-bayan at nagtapos sa Ateneo de Manila, sa edad na 40-anyos, si Letarco ang pinakabatang Mayor na nailulkok sa bayan ng Gumaca.

Sa kanyang unang termino, kabilang ang sports sa kanyang prioridad at ang malawak na karagatan at kapatagan na nasasakop ng naturang bayan ay malaking impluwensiya para simulan ang pagpapalago ng aquatics at track sports.

Taglay naman ni De Leon, ang ‘never-say-die’ attitude bilang isa sa pinakamatalik na kaibigan at nakasama sa hanap-buhay ng basketball living legend Robert Jaworski, Sr. Sa kanyang pamumuno sa Philracom sa gitna ng pandemya, maituturing tagumpay ang industriya sa kabila ng pagkalugmok sa nakalipas na dalawang taon bunsod ng lockdown.

Inaaanyayahan ni TOPS president Beth Repizo-Merana ang mga opisyal, miyembro at sports enthusiast na makilahok sa talakayan sa sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB), at Pagcor.Rico Navarro