De Lima kay Bato: pang-perya lang, hindi pang-senado

De Lima kay Bato: pang-perya lang, hindi pang-senado

March 15, 2019 @ 7:22 PM 3 years ago


Manila, Philippines – “Pang-perya lang talaga si Bato, hindi pang-Senado.”

Ito ang naging kumento ni Senator Leila de Lima kay dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayon na tumatakbo bilang senador na si Ronald Bato Dela Rosa.

Dagdag pa ni De Lima na sa anim na buwang pagiging hepe nito sa Bureau of Corrections (BuCor) wala namang mapapakita si Bato sa tao kundi puro pakikipagtsismisan lang sa mga preso.

“That is what Bato (Dela Rosa) has been doing in those almost 6 months as BuCor Chief, engaging in gossip with prison inmates who he claims were free to say anything to him while inside a prison he controls,” ayon kay De Lima.

Sinabi niya din na makikita sa aksyon ni Bato ang ibinabatong drug cases sa kanya na puro tsismis lang, intriga, at kasinungalingan.

Kailangang daw patunayan ni Dela Rosa ang kanyang pangako na gagawin niyang miserable ang buhay ng mga drug lord sa bilibid sa ilalim ng kanyang pamumuno, pero isang taon na ang nakakalipas inamin niya na kontrolado pa rin ng mga drug lord sa bilibid ang transaksyon sa droga sa buong bansa.

Ngayong tumatakbo sa pagkasenador si Bato, sinabi ni De Lima na mas nakatuon ngayon ang publiko sa kanyang track record sa pagiging BuCor Chief.

“Now that he is running for senator, Bato should realize that the people are interested in his performance and track record as BuCor Chief, and why he has failed to stop the Bilibid drug lords under his watch,” sabi pa ng senadora. Remate News Team