De Lima mas bumuti na sa COVID

De Lima mas bumuti na sa COVID

November 9, 2022 @ 5:03 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas mabuti na umano ang pakiramdam ni dating senador Leila de Lima matapos magpositibo sa COVID-19.

“Feeling much better now. Konting ubo na lang po. Back to my usual daily routine here, including some physical chores,” pagbabahagi ni De Lima nitong Miyerkules, Nobyembre 9.

Matatandaan na nitong Lunes, Nobyembre 7 ay sinabi niya na nagpositibo siya sa nasabing sakit at nagsimulang magkaroon ng sintomas nito Sabado pa lamang.

“My spirit [is] greatly buoyed from the many messages of concern, support and love, as printed and sent to me yesterday by my staff,” aniya.

“Muli, taos-pusong pasasalamat sa inyong mga panalangin,” dagdag pa ng dating senadora.

Dahil din sa naturang sakit, naurong ang pagdinig sana sa kaso laban sa kanya sa illegal na droga mula Nobyembre 7 patungong Nobyembre 21 at Disyembre 5. RNT/JGC