De Lima may karapatang tumakbo muling senador – Malakanyang

De Lima may karapatang tumakbo muling senador – Malakanyang

July 21, 2021 @ 4:13 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – May karapatan ang detinadong Senadora Leila de Lima na muling tumakbo sa pagka-senador sa 2022 elctions dahil nakabinbin pa naman ang final conviction nito sa drug charges laban sa kanya.

Ang pahayag na ito ni Presidential spokesperson Harry Roque ay tugon sa naging anunsyo ni De Lima na na itutuloy niya ang laban sa administrasyong Duterte sa pamamagitan ng muling pagtakbo sa 2022 Senatorial and national elections.

“That is her right hanggang hindi pa siya pending conviction with finality,” ayon kay Sec. Roque.

Iyon nga laman ani Sec. Roque ay “Sana hindi magkaroon ng final conviction bago ang eleksyon.”

Gayundin, iginiit ni Sec. Roque na ang pagsasampa ng kaso ng pamahalaan laban kay De Lima — inakusahan sa illegal drugs trading noong panahon na siya ay Kalihim ng department of Justice ay hindi “political persecution.”

“There is no political persecution. She is charged with a heinous crime,” diing pahayag ni Sec. Roque.

Samantala, Ika-24 ng Pebrero 2017 pa nang makulong si De Lima matapos hainan ng tatlong kaso kaugnay ng kalakalan ng droga sa New Bilibid Prison. Inabswelto na siya para sa isa sa tatlong kaso na ‘yan nitong Pebrero 2021.

Naninindigan ang kanyang kampo na panay bogus ang mga reklamong ito. Aniya, idinidiin lang siya dahil sa kritiko siya ng administrasyon.

“Ako na ang tanging kasalanan ay magsalita laban sa EJKs ay nakakulong, samantalang ang mga tulad ni Peter Lim na may Warrant of Arrest sa pagiging big-time drug lord ay hindi mo [Duterte] man lang kayang ipaharap sa korte at hustisya,” dagdag niya.

“Hindi mo rin ako napasuko. Tuloy pa rin ang laban, kaya hindi rin dito matatapos ang aking kuwento.”

Kahit nakakulong, umabot na sa mahigit 500 panukalang batas at resolusyon ang kanyang naihahain simula nang mahalala. Ilan sa mga batas na kanyang naipasa ang  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act, Magna Carta of the Poor Act, Community-Based Monitoring System Act, at National Commission for Senior Citizens Act. Kris Jose


  •  
  •  
  •