De Lima, muling nagmatigas sa korte

De Lima, muling nagmatigas sa korte

August 10, 2018 @ 7:27 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Gaya ng naunang arraignement, muling nagmatigas si Senadora Leila de Lima na magpasok ng kanyang plea nang basahan ito ng sakdal kanina sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 205.

Mismong korte pa ang nagpasok ng not guilty plea ang korte para sa senadora sa kasong kinahaharap nito kaugnay sa pakikipagsabwatan o ugnayan sa transaksiyon ng iligal na droga.

Katwiran ni De Lima, walang katotohanan at gawa-gawa lang ang mga impormasyon sa kaso na nakinabang siya sa bentahan ng droga sa loob ng National Bilibid Prisons o NBP noong siya ang kalihim pa ng Department of Justice o DOJ.

“Your Honor, this charge is pure invention, pure fabrication. It’s a sham case. So there’s nothing to plead to. So therefore, I refuse to enter a plea,” aniya.

Nauna rito, ibinasura rin ng korte ang mosyon ng kampo ni De Lima na amyendahan ang kasong isinampa laban sa kanya ng DOJ.

Noong July 27 nang isagawa ang unang arraignment nito sa parehong korte Branch 206, kung saan tumanggi rin ang senador na maghain ng kanyang plea.

READ: Senator De Lima, ayaw maghain ng ‘not guilty plea’

Samantala, itinakda sa Setyembre 3 ang preliminary case conference at sa Setyembre 28 ang pre-trial.

Naaresto ang senador noong February 2017 at nadetine sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Quezon City.(Remate News Team)