De Lima nagpositibo sa COVID-19

De Lima nagpositibo sa COVID-19

November 7, 2022 @ 1:13 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpositibo sa COVID-19 si dating senador Leila de Lima.

Ito ang kanyang inanunsyo nitong Lunes, Nobyembre 7 kung saan ay positibo sa naturang sakit ang kanyang antigen at RT-PCR test.

“When attending recent hearings in the [two] remaining trumped-up charges, with practically jampacked courtrooms, I felt it was just a matter of time before contracting the virus. So it is that last Saturday, Nov. 5, or a day after the hearing in one of the cases, I started having colds (running nose), mild cough, itchy throat and joint/body aches short of feverish, which prompted the tests,” pagbabahagi ni De Lima.

“Now in self-isolation in my isolated detention quarters. Taking anti-viral meds as prescribed by my doctors. Resting, reading a novel, praying,” dagdag pa niya.

Inatasan na ni De Lima ang kanyang mga staff na abisuhan ang lahat ng kanyang nakasalamuha sa nagdaang pagdinig kasama na si dating Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Rafael Ragos.

Maliban kay Ragos, nasabihan na rin ng mga staff nito ang lahat ng mga abugado, prosekusyon, court personnel, Philippine National Police escorts at close-in female guards na siya ay tinamaan ng COVID-19.

“I hope no one else got infected under such a setting. I’ll be fine,” ani De Lima. RNT/JGC