De Lima, posibleng makinabang sa desisyon ng SC sa petisyon ni Gigi Reyes- Koko

De Lima, posibleng makinabang sa desisyon ng SC sa petisyon ni Gigi Reyes- Koko

January 21, 2023 @ 1:28 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng “candidate beneficiary” si dating Senador Leila De Lima sa naging desisyon ng Supreme Court sa petisyon sa writ of habeas corpus ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes nitong Biyernes, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Naunang pinayagan ng SC na makalaya si Reyes, dating chief of staff ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile na nakulong sa kasong plunder o pandarambong sa kaban ng bayan simula noong 2014.

Inaprubahan ng first division ng Supreme Court sa isang resolusyon na may petsang January 17 ang petisyon ni Reyes sa writ of habeas corpus.

Ayon sa desisyon: “Her confinement, though in accordance with a court order of the Sandiganbayan, violates her constitutional right to speedy trial and infringes on her right to liberty.”

“[T]he Leila de Lima case is a candidate beneficiary of the equal application of this latest SC ruling,” ayon kay Pimentel sa text message.

Sinabi ni Pimentel na nakatuon ang SC reuling sa accountability o pananagutan ng Estado sa paggalang sa karapatan sa speedy tria at disposisyon ng kaso.

“Nine years under arrest, with no ruling at the trial level is indeed a ‘red flag’ which the highest court should address,” giit ni Pimentel.

“However, the same principle enunciated in the Gigi Reyes case must be extended to all, especially the poor who may not be represented by vigilant counsel,” dagdag niya.

“The latest decision of the Supreme Court in the case of Gigi Reyes should equally apply to all Filipinos who have been suffering from prolonged detention due to the country’s slow justice system,” ayon kay Pimentel.

Ayon kay Pimentel, mayroong libo-libong Filipino, karamihan mahihirap na Filipino, na hindi makakuha ng abogado kaya nakulong nang matagal nang walang pagbabago sa kanilang kaso.

Nakakulong si De Lima simula noong Pebrero 2017 hinggil sa alegasyon na nakinabang ito sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison nang magsilbi itong justice secretary ngunit wala pang napatutunayan at isa-isang umamin ang testigo na wala itong kasalanan.

Kabilang sa umamin na walang kinalaman si De Lima sa drug trade sina dating drug lord Kerwin Espinosa at dating Bureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos.

Bukod kay Reyes, akusado din si Enrile sa pambubulsa ng mahigit P712.8 milyon mula sa kickback simula noong 2004 hanggang 2010 sa pamamagitan ng non-government organizations na pinamumunuan ni former businesswoman Janet Napoles.

Tumagal nang mahigit isang taon ang hospital arrest ni Enrile, 98, bago ito payagang makapagpiyansa para sa makataong pamamaraann noong Agosto 2015. Ernie Reyes