De Lima reresbak sa mga nagpakulong sa kanya

De Lima reresbak sa mga nagpakulong sa kanya

April 29, 2022 @ 9:05 AM 2 months ago


MANILA, Philippines — Panahon na ng resbak ni Sen. Leila de Lima.

 

Ito ay matapos na sabihin ng kanyang kampo na kinokonsidera nila ang pagsasampa ng kaso laban sa mga umusig at nagpakulong sa kanya, partikular ang nakipagsabwatan kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa para ilugmok siya sa illegal drug trade sa National Bilibid Prisons.

Sinabi ng legal counsel at spokesperson ni De Lima na si Atty. Rolly Peoro sa interbyu sa na hindi hahayaan ng senadora na ma-“off the hook,” ang mga accuser niya.

Dinagdag niya pa na hindi na rin nasorpresa ang kanilang kampo sa pagbawi ni Espinosa sa mga alegasyon laban sa kanya.

“I cannot tell yet what the next action of Sen. De Lima is. But as an advocate of justice, surely… she will not let this off the hook or taken for granted,” ani Peoro .

“We will surely take to justice all the persons involved in the great injustice done to Sen. De Lima.”

Giit pa ni Peoro na ang nalalapit na pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa sa mga rason na nag-udyok kay Espinosa na bawiin ang mga alegasyon nito laban kay De Lima.

Ginigiit pa rin ni De Lima, dating Justice Secretary and Commission on Human Rights chair, na ang mga alegasyon laban sa kanya ay politically motivated bunsod ng tuloy niyang pagiging kritiko sa war on drugs ng Pangulo.

“We always knew Kerwin was lying. It was just a matter of time before he tells the truth… We are just so unlucky it took him many years to do that,” ani Peoro. RNT