De Lima sa pagbawi ng mga testimonya laban sa kanya: ‘The truth will always come out’

De Lima sa pagbawi ng mga testimonya laban sa kanya: ‘The truth will always come out’

May 4, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni opposition and reelectionist Senator Leila De Lima nitong Martes na ang pagbawi ng mga alegasyon ng mga testimonya hay patunay na mananaig ang katotohanan.

“Anyone can see how I am in no position to force anything from the witnesses against me,” ani De Lima.

“There are many things questionable about the cases against me. The recantation of witnesses is not one of them. If anything, this is the only thing that makes sense: it’s proof that the truth will always come out,” dagdag pa niya.

Matatandaang binawi ni Rafael Ragos, dating officer in charge sa Bureau of Corrections, ang kanyang pahayag na nagdala siya ng pera kay De Lima mula sa drug personalities sa loob ng New Bilibid Prison.

Aniya, binantaan siya ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre upang magsinungaling laban sa senador.

Humingi naman ng paumanhin si Ragos kay De Lima sa pagtestigo laban sa kanya at iginiit na dapat siyang ipawalang-sala sa kinahaharap na drug charges, na dahilan ng kanyang pagkakakulong simula Pebrero 2017.

Mariing sinabi ni De Lima na ang pagkakakulong niya ang “greatest frame-up, grandest conspiracy of lies, and grossest injustice” sa ilalim ng administrayong Duterte.

“Once they lost the moral certainty to have me convicted beyond reasonable doubt, it is their duty to withdraw the cases,” pahayag ni De Lima.

The DOJ said the retracted statements of Ragos would not destroy the strength of evidence of

Gayundin, matatandaang binawi ng self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa ang kanyang testimonya laban kay De Lima sa Senate joint committee hearings sa pagpatay sa kanyang ama na si Mayor Rolando Espinosa Sr., at sinabing siya ay “coerced, pressured, intimidated and seriously threatened” ng mga pulis upang idiin si De Lima.

Sinisilip ng DOJ ang paghahain ng perjury complaints laban kay Espinosa. RNT/SA