De Lima umapela; nanay na COVID-positive gustong makausap via video call

De Lima umapela; nanay na COVID-positive gustong makausap via video call

February 3, 2022 @ 3:26 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hiniling ni detained Senator Leila de Lima sa Muntinlupa Court na makausap sa online video conference call ang nanay na COVID-positive.

Ito ay makaraang ihain ni De Lima ang extremely urgent motion sa online video conference call sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 256.

Aniya, bumababa na ang vital signs ng kanyang inang 89-anyos kasama na ang pulse rate at oxygen saturation levels.

Kasalukuyan namang nasa NICC Doctors Hospital sa Naga ang pasyente.

Β β€œNow, Accused De Lima was informed that her long-ailing mother is continuing to experience labored breathing, and is in and out of consciousness,” saad sa mosyon.

β€œGiven the positive COVID-19 tests previously administered, in addition to Mrs. De Lima’s advanced age and overall declining health, it is extremely urgent that Accused De Lima be given the opportunity to see her mother, even through online video conferencing, without further delay, preferably within the day.”

Umapela rin ng dasal si De Lima para sa sitwasyon ng kanyang nanay. RNT/FGDC