Deadliest in PH history: Higit sa 879K namatay sa 2021

Deadliest in PH history: Higit sa 879K namatay sa 2021

September 8, 2022 @ 10:12 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Itinuturing ng Commission on Population and Development (PopCom) na “deadliest” sa kasaysayan ng Pilipinas ang naitalang 879,000 Pinoy na namatay noong 2021.

Sinabi ni PopCom executive director, Undersecretary Juan Antonio Perez III na ang kabuuang 879,429 na namatay na Pilipino ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon naman ay nakapagtala ng 2,700 deaths daily.

Base sa kanyang pansariling obserbasyon at pag-aanalisa sa nakalipas na mga taon, sinabi ni Perez na mayroong isa hanggang limang porsiyento ang itinaas sa mortality rate sa normal years subalit noong taong 2021, ang pagtaas ay lumobo sa 43% kumapara sa taong 2020.

“Translated into figure, the reported death in 2021 is 265,493 higher than in 2020 which recorded a total of 613,936 deaths,” ayon kay Perez.

” It was in September which had the most number of deaths in 2021 when a total of 119,758 Filipinos perished—which means that 3,992 Filipinos died daily in that month or almost three deaths per minute,” dagdag na pahayag nito.

May kabuuang 146,137 naman ang namatay dahil sa Covid-19.

“In 2020, there were 30,188 Covid-related deaths reported in the country. In 2021, it ballooned to a total of 105,723.
From January 1 to May 21 in 2022, a total of 10,226 Covid-related deaths were already reported,” ayon sa ulat.

Sinabi ni Perez na ang Covid-19 ang itinuturing na “major factor” sa labis-labis na mortality sa bansa noong 2021.

Samantala, ang mga namatay naman dahil sa malnutrisyon ay tumaas ng 47%.

Bago pa pumutok ang Covid-19 sa bansa, sinabi na ng PopCom na ang mataas na “excess mortalities” ay dahil sa health-related matters.

Kabilang dito ang “heart attacks, cerebrovascular disease or referred to as strokes, diabetes at hypertension.”

“Many of the diseases that caused increased mortality are preventable at the primary level of care, but the health system was not flexible enough to treat and care for both COVID and non-COVID patients,” ayon kay Perez. Kris Jose