Deadline ng business permit renewal sa Navotas pinalawig

Deadline ng business permit renewal sa Navotas pinalawig

January 18, 2022 @ 5:22 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Pinalawig ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang deadline sa renewal ng business permit/license hanggang Enero 31, 2022 dahil pirmado na ang City Ordinance 2022-05, kung saan ay sinabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco na maraming negosyo ang naapektuhan ng pandemya dahil nasa alert level 3 pa din ang Metro Manila.

Kaya naman binigyan ng sapat na panahon ang mga negosyante upang makapag renew na kanilang mga business permit at license at magbayad ng kanilang mga buwis. Hinikayat din ni Tiangco na pwedeng mag-renew online sa https://online.navotas.gov.ph/ at bukas din ang Business One-Stop Shop (BOSS) ng Lunes-Biyernes, 8am-8pm, at Sabado-Linggo, 8am-5pm. Jojo Rabulan