Deadline sa contact tracers application hanggang Sept. 23 na lang — DILG

Deadline sa contact tracers application hanggang Sept. 23 na lang — DILG

September 22, 2020 @ 6:11 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Mayroon na lamang hanggang Setyembre 23 ang mga nagnanais maging bahagi ng karagdagang contact tracers upang makapagsumite ng mga kailangang dokumento, batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa pahayag, sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na dapat maisumite ang application letter, personal data sheet, National Bureau of Investigation clearance at drug test results sa pinakamalapit na DILG provincial o city field office.

“While our first preference is college graduates or college level of allied medical courses or criminology, we are also open to graduates or college level of any course. So, they may also apply subject to screening and availability of slots,” punto ni Malaya.

Kikita naman ang matatanggap na contact tracers ng P18,784 sa loob ng isang buwan.

Habang ang 19.2 percent ng 50,000 bagong contact tracers ay ide-deploy sa National Capital Region. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...