Deadline sa pagbabayad ng business permits sa Makati, pinalawig

Deadline sa pagbabayad ng business permits sa Makati, pinalawig

January 10, 2023 @ 12:10 PM 4 weeks ago


MAKATI – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Makati ang kanilang pagkakaloob ng extension ng pagbabayad sa business permits upang mabigyan ng pagkakataon ang mga negosyante sa lungsod na makapagbayad ng kanilang buwis na walang karagdagang penalty.

Sinabi ni Makati City Mayor Abby Binay na sa orihinal na itinakdang Enero 20 na deadline ay ginawa na ito ng hanggang alas 5:00 na lamang ng hapon ng p.m. Enero 31.

Ayon kay Binay, ang mga magbabayad ng kanilang business permits na lampas na sa itinalagang bagong deadline na Enero 31 ay mapapatawan ng karagdagang 25-porsiyentong surcharge at dalawang porsiyentong penalty sa bawat buwan hanggang sa makumpleto nila ang pagbabayad ng kanilang obligasyon sa buwis.

Dagdag pa ni Binay na mas pinahaba din ng Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang pagbibigay serbisyo sa mga magre-renew ng kanilang mga business permits ng alas 8:00 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes at alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 naman ng hapon sa mga araw ng Sabado at Linggo.

Napag-alaman din kay Binay na namahagi rin ng libreng pagkain ang lokal na pamahalaan sa mga aplikante na maagang nag-renew ng kanilang business permits bilang pasasalamat sa mga negosyosyante sa kanilang patuloy na operasyon ng pagnenegosyo sa lungsod.

Mahigit 15,000 packed meals ay maipapamahagi sa mga business permit renewal applicants hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Paliwanag din ni Binay na ang tiwala na ipinagkaloob ng mga nagmamay-ari ng negosyo sa lokal na pamahalaan ay kanilang binibigyan ng importansya dahil ito ang natatanging dahilan kung bakit nananatiling premiere financial district ang lungsod ng Makati sa buong bansa. James I. Catapusan